Featured Post

MABUHAY PRRD!

Sunday, October 16, 2011

TAWA

TAMA NGA NAMAN
Guro: Rudy, 4+5?
Juan: Mam, Nine po!
Guro: Good... 5+4?
Juan: Mam, 6!
Guro: Mali. Binaligtad ko lang naman ang tanong ah?
... ... Juan: E, Mam, binaligtad ko rin po ang sagot!..


HALF COOK
Sa office ng Crematory....
Juan: Good Afternoon, Sir.. Ask ko lang magkano sa inyo ang magpa cremate ng patay?
Admin: 35 thousand sir, me libre na yung magandang jar, at free delivery pa.
Juan: Ha? ganun? grabe mahal pala... Eh kala kasi namin mga 15 Thousand lang....
Admin: Pwede naman sir.. gawin nating HALF COOK...



KAPE
JUAN: kape nga with milk
WAITER: 10 pesos po sir
JUAN: 8 pesos lang kahapon
WAITER: Tumaas kasi ang presyo ng gasolina sir.
JUAN: Wag mo ng lagyan ng gasolina. Punyeta!



INGLESIN MO!
BOY : Hayop ka! Ginawa mo akong tau tauhan sa sakahan! Pero sahod ko hindi tumaas! Kung mamatay ako sinong magpapakain sa pamilya ko, ikaw ???
AMO : Inglesin mo para taasan ko sahod mo !!
BOY: Animal you ! Person-person me in the farm, my salary did not climb! If I die , who will eat my family, you ?



BUBULA BA?
Kumare 1: Mare, pag pinagsama ba ang mga sabong Pride at Tide, bubula ba ito?
Kumare 2: Aba, siyempre naman, parehong sabon yun, eh.
Kumare 1: Mali ka Kumare. Hindi bubula!
Kumare 2: At bakit naman hindi?
Kumare 1: Eh, paano ba naman bubula yun kung WALANG TUBIG!
Kumare 2: HA, HA, HA! Oo nga naman.



TITSER AT ESTUDYANTE
TEACHER: ok class review mna tyo sa past leson ntin.Tanong,Sino si JOSE RIZAL?
STUDENT1: ????
TEACHER: again sino si JOSE RIZAL?
STUDENT2: Mam di po namin yun kilala!
JUAN: ma'am classmate po ba namin siya?
PEDRO: BOBO! Mo JUAN baka sa kabilang SECTION yun!
TEACHER: badtrip! Sige CHANGE da TOPIC.
TANOng., SINO pumatay k MAGELLAN?
STUDENT3: Ma'am di po kami SURE kung si LAPU LAPU nga!
TEACHER: O! bakit naman!?
JUAN: Kasi sabi po ng TATAY ko masama daw po ang mambintang ng KAPWA kung di mo naman daw nakita!



BIGTI
Man #1 : O pre bat may Tali yang Paa mo?
Man#2: Eh gusto ko kasing mag bigti eh.
Man#1: E bakit sa paa di ba sa Leeg yan nilalagay?
Man #2: Oo nga pre e sinubukan ko na yan kanina eh ………hindi ako maka hinga pre eh…


LOLO AT APO
lolo: apo magtago ka! nandyan ang teacher mo ... absent ka pa naman ..
apo: Ikaw din po lolo Magtago ka rin!
lolo: Bakit?
apo: Kasi kaya ako umabsent sabi ko patay kana ...
lolo: Nyaaakkkkkk ...




BULOL
Napadaan si Pedro sa isang paligsahan ng pagbigkas ng salita . . . huminto sya at nanuod

Unang tinawag ang amerikano, pina bigkas ang BULAKLAK PARU PARU, sabay bigkas ng BULAKE LAKE PERU PERU. Nangiti si pedro sa isip nya pinoy yata sya alam nya.

Pangalawang tinawag Hapon, ganon din banat agad BURAKRAK PARU PARU. . .

Sino pa gustong sumali sigaw ng tagapagsalita. Sagot agad si Pedro ako po . . . hiyawan mga nanood panalo na yan pilipino . . .


Pangatlong kalahok Pedro. . . yabang nya pasigaw na bumanat BUYAKYAK PAYU PAYU

NANONOOD NO. 1: Akalain mo bulol pala malas talaga. he he he
NANONOOD NO. 2: Pards, di bulol yan, kapitbahay ko yan galing Agusan.

No comments: